Ang Karanasan ng Pangasinan sa Lindol sa Luzon Noong 1880: Mga Epekto, Tugon at Interpretasyon

Authors

Keywords:

Luzon, lindol, Pangasinan, pamahalaang Kastila, burukrasya, relihiyon

Abstract

Ang papel na ito ay tumatalakay sa mga naging epekto ng lindol sa Pangasinan noong 1880 at kaakibat na tugon ng pamahalaang Kastila at interpretasyon ng mamamayan. Tinangka nito na suriin ang kaganapan ng iba’t ibang pueblo ng lalawigan sa panahon na naganap ang lindol. Upang maunawaan ang estado ng Pangasinan na malapit sa panganib, kinakailangang tuklasin ang kasaysayan ng kalamidad na tumama rito. Katulad ng ibang mga lugar sa bansa, madalas ding hinaharap ng mga Pangasinan ang banta ng iba’t ibang sakuna tulad ng bagyo at lindol. Isandaang taon bago ang lindol sa Luzon noong 1990, hindi ito nakaligtas sa malakas na lindol sa taong 1880. Gumamit ang papel ng mga primaryang batis sa pagsasalaysay sa sakuna. Maraming gusali at imprastraktura ang nasira, partikular na ang mga simbahan at tribunal. Tumagal ang lindol nang halos dalawang linggo noong Hulyo 1880. Pinakamalakas dito ang naitala noong ika-14 ng Hulyo na umabot sa Intensity IX (devastating tremor). Nagdulot ito ng ground subsidence, fissures at lateral displacements sa mga lupain malapit sa Ilog Agno. Inilarawan din ang matinding kamalasan, pati na rin ang pagdulot ng pagkabalisa at pagkatakot, at ang pagkaparalisa ng trabaho ng mga mamamayan. Ito ang sumubok sa kakayahan ng pamahalaang Kastila sa lalawigan bago sumapit ang ika-20 dantaon. Sa naging pagsisiyasat, makikita ang pagkakaroon ng burukrasya ng pamahalaan sa pamamahala rito. Matapos ang lindol, mapapansin din ang paghahalo ng agham at relihiyon.

Author Biography

Kevin Conrad A. Ibasco, University of the Philippines Baguio

Kevin Conrad A. Ibasco is currently pursuing Master of Arts in History (Ethnohistory and Local History) at the University of the Philippines Baguio. He finished Bachelor of Arts in History in the Polytechnic University of the Philippines. He is an Instructor at the Pangasinan State University Urdaneta City Campus. His research interests include environmental history, local history, and heritage. He can be reached through kcaibasco@gmail.com or kaibasco@up.edu.ph. 

Downloads

Published

2025-06-30

How to Cite

Ibasco, K. C. “Ang Karanasan Ng Pangasinan Sa Lindol Sa Luzon Noong 1880: Mga Epekto, Tugon at Interpretasyon”. TALA: An Online Journal of History, vol. 8, no. 1, June 2025, pp. 73-91, http://www.talakasaysayan.org/index.php/talakasaysayan/article/view/192.